Showing posts with label love story. Show all posts
Showing posts with label love story. Show all posts

Friday, March 26, 2010

Hindi Sadya - Honeybhabe

Hindi sadya, nakapagtataka
Parang kilala na kita
Sa puso at kaluluwa
Siguro nga, nung unang panahon
Tayo ay nagmamahalan na't, inulit lang ngayon ..


Karamihan ay ginagawa ang chat para lamang libangan. Marami ding nagchachat lang dahil bored sila. Well itong isang babaeng to ay nagchachat dahil namimiss nya na ang kanyang mga kaibigan at nahohome sick na sya. Naadik sya sa chat mula ng makilala nya ang kanyang mga kaibigan dito na laging andyan para sa kanya kahit na hindi pa sila nagkikita. Nahook sya sa pagchachat at naging buhay na nya ang chatroom. Mahal nya ang mga kaibigan nya at hindi nya ipagpapalit to sa kahit na sino. Ang pangalan ng babaeng ito ay Crishel, 15 years old. Lumaki syang outgoing, palaging late na nagigising para sa school, at late ding umuwi dahil sa extracurricular nya sa school. Member sya sa girls scout, member din sya sa marching band. Kinailangan nyang umalis ng bansa dahil kinuha sya ng kanyang nanay.

Pagkadating sa ibang bansa, hindi agad sya naka-adapt dahil sa ibang cultura dito. Sa school palang ibang iba na, hindi nya alam kung pano sya makakablend in. Buti nalang may mga naging kaibigan agad sya nun. Maayos din ang naging grades nya sa school at maayos din ang kanyang pagiging kaibigan sa mga ibang classmates nya dun. Hindi man sya masyadong nagsasalita, ginagawa nalang nya lahat ng kanyang makakaya para makatapos ng grade na un at magmove on na sa higher grade at nakaya naman nya. Hanggang sa middle school at high school maayos naman ang naging takbo ng lahat. Nung dumating sa 3rd year ng highschool kinailangan nanaman nyang umalis ng bansa dahil kinukuha naman sila ng tatay nya. Kelangan kc nilang sundan kung san man maistation ang kanyang tatay dahil sa work nito, nasa military ang tatay nya kaya sila palipat lipat.


--*FLASHBACKS*--


Crish, tumayo ka na dyan at late ka nanaman! sigaw ng kanyang mommy.
Hmmm... ang tanging nasabi lang ni Crishel.
Bakit ba lagi ka nalang late, maaga naman tayong natutulog ha! sermon nanaman sa kanya.
Wala po, maliligo na po ako. sabi nya.


Pagkarating sa skwela, nakalimutan nanaman nya ang kanyang piggy bank. Kelangan nyang kunin sa kanilang bahay.


Rox, Aub. Cover nyo muna ako may nakalimutan akong assignment natin, kukunin ko lang sandali sa bahay, pls pls pls! pagmamakaawa nya sa mga kaibigan nya.
Cge cge, bilisan mo parating na ang teacher natin. sagot ng mga toh.
Thanks. Salamat talaga ng marami. pagpapasalamat nito at tumakbo na sya.


Pagdating nya sa school ay nandun na ang teacher at may activity na silang nakalagay sa lamesa. Buti nalang at nacover sya ng mga kaklase nya lalo na ang katabi ng desk nya.


Ano daw ang ginagawa natin? tanong ni Crish sa katabi.
Ahm.. Sagutan daw natin ang mga problems sa board. sagot naman nito.
Ah ok salamat.
Student's no talking while doing seat work. sita ng teacher. Oh Ms. Lopez andyan ka na pala, san ka galing?
Ahm ma'am pumunta lang po ng CR. sagot nito.
Eh may CR naman tayo dito sa classroom bakit lumabas ka pa?
Eh ma'am may dineliver narin akong message para sa isang teacher, urgent daw kc eh. pagpapalusot nito.
Ah ok, don't be late in my class again. sita nito.
Ok ma'am. tanging nasagot nalang nito.


--*RECESS TiME*--


Woooooo.. recess nanaman. sigaw ng mga studyante.
Uo nga at ako'y gutom na. sabi naman ng teacher.
Anong gusto nyong gawin ngaun? tanong ng mga kaibigan ni Crishel.
Hmmm.. bakit hindi tayo maglaro sa likod? Tutal may mga naglalaro naman na cguro ngaun dun, sali tayo? sagot naman nyang excited.
Sus, may crush ka lang sa isa dun eh. pang-aasar ni Rox.
Wala noh, cno naman? sagot nya.
Wala daw, eh bakit ka nagblublush? tanong nito.
Hindi ako nagblublush noh, ang init lang! pagpapalusot nya.
Sus, uo na nga lang ako. sabi ni Rox.
(Whew, ang lapit nun ah.) naisip nalang ni Crish.


Habang naglalaro sila, hindi maiwasang pasalamatan ni Crish ang isang lalake dahil sa itinago sya at hindi sya hinatak palabas nung nakita sya ng taya. Buti nalang at may puso pa pala ang mga kaibigan nya kaya hindi pa sya nakuha. Wag mag-alala at isasave din nya para makabawi naman.


--*Balik Sa Klase*--


Ma'am ano po bang activity natin ngaun? tanong ni Crish sa teacher.
Aba'y maghintay ka naman, bakit masyado ka atang atat ngayon? pangbabara ng teacher.
Ma'am naman, gusto ko lang masimulan na at matapos na agad. sagot uli ni Crish.
Ah ganun ha, oh sya eto na ang activity nyo! pagkatapos ay binigay na ng teacher ang activity.


--*Uwian Na*--


Yay.. uwian nanaman, practice nanaman ng marching band. excited na sabi ni Crish.
Oh bakit parang excited ka atang magpractice ngayon? tanong ni Aubrey sa kanya.
Wala lang. Bakit may problema ba? pagbabalik tanong ni Crish dito.
Wala naman, unusual lang kc excited ka eh. sabi nito.
Lagi naman akong excited sa practice ah.
Hindi kaya!
Ha! Basta excited ako, haha! =]


Pagkatapos ng practice ay umuwi na agad sya para kumain at magpalit narin ng damit, pawis na pawis sya dahil sa init ng panahon at sa pagprapractice nila. May bago nanaman silang aaraling moves para sa marching band at saka may mga imememorize nanaman para sa girls scout. Nakakapagod naman pero enjoy ako kc that way nakakapagbonding ako sa mga kaibigan ko. Pero sa mga kaibigan ko nga ba ako excited or may iba pang dahilan?


Pagkaraan ng ilang buwan ng pagprapractice ay namaster narin namin ang mga moves, mga marches, mga songs, at iba pang kelangang gawin para sa darating na fiesta. Kelangan naming mapractice at walang errors para naman hindi kahiya hiya ang school namin at maraming dadalong ibang school. May mga performance pa kaming gagawin after ng march kaya kelangan talagang malakas ka para hindi ka mahilo or hindi ka magkaerror. Pero this past few days may bumabagabag sa kalooban ni Crish, may kailangan kc syang puntahan pagkatapos ng fiesta.


--*Fiesta Na*--


Yay.. Fiesta nanaman. excited na sabi ng mga kaklase nya.
Uo nga, fiesta nanaman. matamlay na sabi nya.
Oh, bakit parang matamlay ka? nagtatakang tanong nina Rox at Aubrey.
Wala lang. Yay! pagsisinungaling nya para hindi na mahalata at mangulit pa.
Ok, kung ano man yan pagkatapos nalang ng march ka namin kukulitin. sabi ng mga toh.
(Oh great, di nga ako kinulit ngayon, may mamaya pa pala.) naisip nalang nya. Ok, thanks!
Your welcome, alam mo namang nandito lang kami db? pagsasabi ng mga toh.
Uo naman, salamat talaga!
Walang anuman. Mahal ka namin besprend! =]
Thanks! Mahal ko din kayo! =]


Pagkatapos ng fiesta ay kinulit nga nina Aubrey at Rox si Crish at sinabi naman nito na kailangan na nyang pumunta sa ibang bansa. Syempre nalungkot naman ang mga toh dahil bakit kailangan pang umalis ni Crish eh enjoy naman nya ang life nya dito. Inexplain naman nya lahat kaya naliwanagan narin ang mga kaibigan nya, pero ayaw parin nilang umalis sya pero kahit ganun wala silang choice kundi palayain c Crish at hope na makauwi agad kc mamimiss nila ito agad.


--*FLight Day*--


Ang daya mo bes, aalis ka na ngayon! maiyak iyak na sabi ni Rox.
Uo nga bes, wag ka ng umiyak ha, babalik naman ako eh! naiiyak naring sabi ni Crish.
Sayang talaga hindi nakapunta si Aubrey dito, pag nakapunta un baka hinila ka na namin at itinago. pagbibiro nito.
Haha, baliw talaga kayo kahit kailan, at mamimiss ko kayo ng sobra. sabi nya at niyakap na ang kaibigan.
Pakabait ka dun ha. paalala nito.
Haha, uo naman! Ako pa! =] Kau din pakabait din kayo dito.
Uo, babatukan ko yang mga yan pag hindi nagpakabait. pagbibiro ni Rox.
Ikaw talaga bes, palabiro ka talaga. natatawang sabi nya.
Uo para hindi ka naman umiyak at maglupasay dyan, masisira image mo nyan cge ka. patudyo uli nito.
Haha, cge na alis na daw kami.
Cge, ingats kau! sabi nito at nagyakapan saka binitawan na.


--*End Of Flashback*--


Hay! Ang sarap balik balikan ang kahapon. Parang kailan lang umalis ako ng Pilipinas ngayon ay babalik nanaman ako. Namiss ko talaga sila. After 4-5 years ba namang umalis ako ng bansa syempre mamimiss ko sila. Ano na kaya mga itsura nila ngayon, may mga asawa na kaya sila ngayon? May mga anak na? Pero ang babata naman para mag-asawa at magkaanak na, haha! Ano ba tong naiisip ko at parang ang sagwa naman!