Monday, March 22, 2010
EX
Napansin ko lang kasi, nitong mga nakaraang araw ay palaging ex ko nalang ang nakakausap ko. Di lang iisang ex ang nakakausap ko araw araw pero iba iba naman, di ung tipong kami lang nagkakausap lagi. Anyways bakit ganun na may ex na makakalimutin, ung tipong nakalimutan kung sino ka na, meron ding ung sweet parin as in magkaibigan parin kau, walang malisya. Merong mga di pa daw nakamove on na gagawin ang lahat sa power nila para lang maibalik sia sa kanila pero wala na talagang pag-asa. Meron din ung mga paasa, ung tipong sasabihing mag-uusap kau pero di sya sisipot at magdadahilan nalang pag nagkausap ulit kau. Meron din ung mga nagsasabing mahal ka pa nila pero may hidden agenda sila.
Natatawa nalang ako sa mga pinaggagawa ng mga ex ko, pero gusto ko din namang masaya sila kung san ang buhay nila ngaun, since ako ito masaya na ako kung anong meron sakin ngaun. May isang particular kc na nagsasabing di pa sya nakapagmove on, puro kabaliwan ang ginagawa sa harap ko, pero wala naman siang ginawa dati para maibalik ako? Ano kaya un db? Sabi nya meron siang ginawa, ang tanong ano? Pinabayaan lang naman nya, hinintay sigurong ako rin lang ang susuyo sa kanya pero di na nangyari un kc may pride din naman ako sa sarili ko kahit konti, auko namang sisihin ang sarili ko sa nangyari kc bakit pa? Kung binalikan ko sya mangyayari ulet ang nangyari samin dati, ganun din ang kahahantungan sa hiwalayan lang din naman.
Meron naman akong ex na naging bestfriend ko, eto best of friends parin kami, as in close parang magkapatid. Ayoko lang na dumating ung time na maging hadlang un para sa separate lives namin. Ung tipong magseselos ung mga bf/gf namin dahil sa closeness namen. Pero kung hindi naman kami magbibigay ng dahilan para magselos sila eh wala naman cgurong problema db? Besides may ganun naman talagang ex na nagiging magkaibigan, meii mga hindi nagiging magkaibigan dahil di pa sila nakakapagmove on pero kaming dalawa nakapagmove on na at masaya na sa aming present sa ngaun, ito nga't malapit na siang maikasal at sana masaksihan ko naman un kahit un lang haha. In time magkakasama din kaming lahat.
Ayoko sa ex na puro kabaliwan lang ang alam, ung tipong gugulohin ka kahit masaya kana sa present mo, ung tipong magsasabi sia ng PAST mo na dapat namang di na sabihin. Ung random nalang na pag nasa chatroom kau eh sasabihing "di na kc ako pinapansin ng ex ko eh", "nagbago na kc porke may ____ na sia ngaun". Haha kainis db? Ung tipong sasabihing ganun samantalang wala ka namang ginagawa sa kania at nananahimik ka lang naman sa tabi tabi, minding your own business.
Happy ako para sa mga ex ko na nakapagmove on na at masaya sa mga buhay buhay nila ngaun. Para sa mga nagluluksa naman, sana mahanap nio na ung happiness na gusto kong makamit nio din, di sa pagyayabang pero un talaga ang gusto kong mangyari narin sa inio. Para ano pa't may pinagsamahan tau kung sira sira naman ang buhay nio. Choice nio din naman talaga un db? kung sisirain nio buhay nio pero sana wag nio sirain, marami pa diang darating na mas mahigit pa sakin, di lang ako ang magpapatakbo ng buhay nio, choose the right choices, BE FREE!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment